Kahit matagal nang magkakilala, aminado si Ken Chan na lubos lang niyang nakilala si Rita Daniela nang magtambal sila sa dating hit Kapuso series na "My Special Tatay."

“Si Rita more than 8 years ko na siyang kilala pero sa teleserye lang kami talaga nagkatrabaho at dun ko siya mas nakilala," sabi ni Ken sa ulat ni Ruel J. Mendoza sa PEP.ph

“Hindi ko makakalimutan kay Rita ay yung paraan niya kung paano siya magtrabaho sa set. Kapag wala kaming eksena, tahimik lang 'yan sa loob ng tent niya. Nagbabasa ng Bible at nakikinig ng music. Hindi kami nakakapagkuwentuhan niyan.

“Pero kapag may eksena na kami, dun mo lang siya maririnig magsalita. Saka in character na siya kapag nasa harap na kami ng kamera. Kapag tapos na ang scene, quiet na ulit siya at dun lang siya sa tent.

“Noong una, parang nawi-weirduhan ako kay Rita. Parang may two personalities siya. Pero naisip ko nga na ganito pala siya magtrabaho.

“May disiplina si Rita dahil she’s also a theater actress. May sarili siyang style para walang maka-distract sa trabaho niya.

“Napaka-professional niyang aktres at sa personal naman, napaka-caring niyang tao. Titingnan nyo na mukha siyang mataray pero may magandang puso si Rita para sa pamilya at mga kaibigan niya,” patuloy na kuwento ni Ken.

Si Rita naman ay naturuan si Ken na isapuso ang pagbasa ng Bible.

“Kami ni Ken, may respect kami sa isa’t isa. May moments na kuwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin. At pinapaalala ko sa kanya to read one verse sa Bible everyday.

“Kailangan na maging thankful tayo sa mga dumarating na blessings sa buhay natin.

“Si Ken naman, he is one of the most responsible people na nakilala ko. Importante sa kanya ang pamilya niya. He loves his family so much, lalo na ang tatay niya," sabi ng aktres.

Bilang pasasalamat sa kanilang fans, may concert sina Ken at Daniela na "My Special Love #BoBreyInConcert" sa May 11 sa Music Museum.

Tiniyak din ng dalawa na muli silang magtatambal sa isang serye.

"Sure na po 'yan. Kaya sa mga BoBrey at RitKen fans namin, wait na lang po tayo kasi magandang teleserye ang muling pagsasamahan namin ni Ken," sabi ni Rita. --For the full story, visit PEP.ph