Mayroon na ngayong dalawang cute na anak na sina Zia at Ziggy, pero inihayag ni Dingdong Dantes na  hindi niya laging pinangarap noon ang maging ama.

Sa Cover Stories ng GMA News Online, tinanong si Dingdong kung kailan niya napagtanto na gusto niyang maging isang tatay.

Napag-isip muna si Dingdong.

"I can’t exactly recall," saad niya. "Ah, it was the moment Marian and I got married. Naging klaro sa amin that we are here to build a family."

Ikinasal sina Dingdong at Marian noong Disyembre 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral in Cuabo, Quezon City.

Hindi pa rin malilimutan ni Dingdong ang wedding march ni Marian kung saan lumapit na ito sa kaniya para pareho silang manumpa sa altar.

"Iba, sobrang goosebumps talaga. 'Pag naaalala ko nga ngayon, I always get that same feeling," anang Kapuso Primetime King sa #RealTalk.

Ngayo'y isa nang ama, isang salita ang mailalarawan dito ni Dingdong: "Fun."

At kung mailalarawan naman ni Dingdong ang kaniyang pamilya, sila ang kaniyang "My everything."

Nag-a-adjust ngayon ang pamilya Dantes sa pagdating ni Jose Sixto G. Dantes IV o baby Ziggy, at patuloy na ipinaiintindi nina Dingdong at Marian kay Zia ang kaniyang pagiging ate.

"We are making a point to make Zia understand this whole new concept of having this new child at home, and that this child is her younger brother, and that she has a very important role to play. Marian is recovering. She’s OK, ‘yun ang mahalaga." —Jamil Santos/LBG, GMA News