Nasawi ang isang guro matapos siyang kaladkarin at barilin ng kaniyang nobyong sundalo sa Del Gallego, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA News “Saksi” nitong Huwebes, sinabi ng mga nakasaksi na kumakain ang biktima sa plaza kasama ang mga kaibigan nang kaladkarin siya ng suspek.

Isang barangay tanod ang nagtangkang umawat pero binaril siya ng suspek .

Hanggang sa narinig na ang ilan pang putok ng baril at nakita nang nakahandusay ang biktima.

Nagbaril naman sa sarili ang suspek pero nakaligtas siya at kasalukuyang binabantayan sa ospital ng mga pulis.

Nakaligtas din sa pamamaril ang barangay tanod, ayon sa ulat.

Hustisya ang panawagan ng pamilya ng biktima. – FRJ GMA News