Nanggaling din sa isang break-up, may paliwanag si Clint Bondad kung bakit sa tingin niya minsan ay walang nangyayaring closure sa magkasintahang naghihiwalay.

"Sa tingin ko, sometimes kasi, kung minsan walang closure, hindi naman ibig sabihin na you hate each other very much. 'Yung dahilan kung bakit minsan walang closure ay dahil there's so much emotions, so much love for each other, na naging mahirap mag-usap kasi there's just so much, you know, parang ganu'n. And yes, it's difficult to talk about sometimes," sagot ni Clint sa programang Mars.

Hindi rin aniya siya pabor na maging "friends" pa ang mag-ex sa social media.

"No!!" mariing sagot ni Clint.

"Practically speaking, sa tingin ko hindi, kasi magiging friendzoned ka, and then of course, 'yung relasyon, based on a wrong foundation so sa tingin ko hindi," dagdag pa ng Love You Two actor.

Sa tanong naman kung mabilis bang nakaka-rebound ang mga lalaki, "kung pogi lang!" pabirong sagot ni Clint.

Sinegunduhan din naman niya ito: "Depende kung gaanong seryoso 'yung relasyon sa una, sa pinanggalingan, so yeah, it depends. If it was not very serious, (nag-snap ng daliri saka umiling)."

Matatandaang nanggaling si Clint sa break-up kay Miss Universe 2018 Catriona Gray noong nakaraang taon. — Jamil Santos/MDM, GMA News