Hindi binago ni Alden Richards at cast ng "Studio 7 Musikalye" ang mga Kapusong Pinoy sa Amerika sa kanilang all-out performances.



Sinabi ni Cata Tibayan sa kaniyang Chika Minute report sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, na pambungad pa lang ay masayang performance na ang handog ni Betong Sumaya para sa mga nanood ng "Kapusong Pinoy: Studio 7 Musikalye in Brooklyn" na ginawa sa New York, USA.

"Maraming salamat po, amazing thanks po sa inyong suporta. Sana po patuloy ang pagsuporta niyo sa GMA Pinoy TV," ayon kay Betong.

Nagpakilig naman ang fans sa song and dance number sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, na humataw din sa dance floor.

Umaasa si Julie Anne, mas marami pang Kapuso star ang makakasama nila sa susunod na concert.

"Sana po after nito masundan pa po. Hopefully next time po mas madami, mas masaya," ayon sa singer-actress.

Nag-enjoy naman daw si Rayver sa kanyang first Kapuso concert aboard.

Hindi rin nagpahuli sa pagsayaw at pagkanta si Kyline Alcantara.

"Sobrang saya po ng mga Kapuso natin dito sa New York and sana po makita ko po kayo ulit soon," saad niya.

Sagot din nina "The Clash" grand champion Golden Cañedo at Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista, ang kantahan.

Pinakilig din ni Alden ang fans sa kanyang pagkanta at pagsayaw sa classic hit songs.

Inalala rin ni Alden ang kaniyang yumaong ina lalo na't natapat sa Mother's Day ang kanilang concert.

"Nag-enjoy kami and I'm sure masaya naman yung mommy naming dalawa ni Rayver sa heaven watching us making people happy," anang Pambansang Bae.-- FRJ, GMA News