Namaalam na ang hosts ng "Day Off" matapos ang 13 taon, ngunit puno naman ng aral ang naibaon ang mga host nito na sina Janine Gutierrez, Maey Bautista, Ken Chan, at Betong Sumaya.
Sa kanilang farewell episode, muli ring binalikan ang mga naging host din ng Day Off, kabilang sina Carmina Villaroel, Isabel Oli, Bella Padilla, Julie Anne San Jose, Mike "Pekto" Nacua at Boobay.
Aminadong nalungkot si Maey dahil naging bahagi na ng kaniyang buhay ang Day Off, ngunit natutunan niyang ma-appreciate ang iba't ibang trabaho at hirap ng isang Filipino worker.
Si Janine naman, hindi malilimutan ang pagiging pamilya ng cast at staff ng show at mga magagandang lugar na kanila nang napuntahan.
Para kay Ken, lagi siyang looking forward sa Day Off tapings dahil nakakapag-relax siya, at nakita niya ang pagiging "humble" ng mga taong bumubuo sa likod ng programa.
Malaki ang pasasalamat ni Betong sa Day Off, dahil dito aniya nagsimula ang kaniyang career. —Jamil Santos/LBG, GMA News
