Ginawaran ng Outstanding Female Lead Performance in a Musical si Aicelle Santos sa katatapos lang na 11th Philstage Gawad Buhay Awards.


 

Ang naturang parangal ay para sa pagganap ng Kapuso star bilang si Elsa sa stage play na "Himala: Isang Musikal."

Isang karangalan daw para kay Aicelle na bigyang-buhay niya ang karakter ni Elsa, na unang ginampanan ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa movier version nito.

Pinasalamatan din ni Aicelle ang lahat ng nakasama niya sa produksyon, sa harap man o likod ng entablado.

"Noong pumasok ako sa teatro galing sa pop singing, ang pinaka fear ko po na sabihin sa akin, 'Kumanta ka na lang kasi parang 'di ka marunong umarte,'" saad niya.

"Pero awa ng Diyos, lagi niya po akong ginagabayan sa bawat role na ginagawa ko, kaya, Lord, salamat! Para sa atin po itong lahat," dagdag ni Aicelle.-- FRJ, GMA News