“Ang hirap!” Ito ang sagot ni Glaiza de Castro, 31, nang matanong kung gaano kahirap ang pagkakaroon ng isang long-distance relationship.

Karelasyon ni Glaiza ang Irish na si David Rainey.

Pagkumpirma ng Kapuso singer-actress, higit sa isang taon na silang magkarelasyon ni David.

January 2019 nang mag-post si Glaiza sa Instagram upang opisyal na ipakilala sa publiko ang kanyang boyfriend.

Kasalukuyang nasa Ireland si David, sabi ni Glaiza.

“He’s from Ireland, so based siya sa Belfast, at sa Donegal.

“Pero yung sisters niya ay based sa London. Kaya minsan nagpupunta-punta rin siya doon,” pahayag ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa release ng kanyang single na “Kapalaran” nitong May 31, Biyernes.

Si Glaiza mismo ang nag-compose ng kanta na inilabas ng PolyEast Records.

Kinumpirma rin ni Glaiza na naipakilala na niya si David sa mga kaibigan, kabilang na ang best friend niyang si Angelica Panganiban.

“Oo, pinafa-follow na niya sa Instagram. Okay naman.

“Nagkita sila nung last event namin sa Baler… nagpunta si Angel.

“'Tapos ang saya ng event na yun kasi lahat ng kaibigan ko nandun.

“Ang layu-layo. Kumbaga, nag-travel sila ng six hours para magpunta dun, so dream come true.”

Kuwento pa ng Kapuso actress, ilang beses nang nakabisita sa Pilipinas si David.

“Siguro nakaka-apat na beses na siya ng punta dito.

“Ngayon, nasa Ireland siya kasi may work siya dun.

“So, last year nagpunta siya. ‘Tapos ang tagal naming apart. Siguro ilang months... siguro seven, eight months, ganun.

“'Tapos nagkita kami nung September [2018]."

This year, dalawang beses na raw nakabalik ang kaniyang boyfriend sa Pilipinas.

"And then pumunta siya ng January, and then recently nung May.” -- For the full story, visit PEP.ph