Sa pagbabalik ng programang "Mars," magiging "Mars Pa More" na ang titulo nito at mapapaanod na sa GMA 7 mula sa GMA News TV. Bukod sa bagong oras, may bagong makakasama si Camille Prats bilang co-host ng programa.
Sa Star Bites report ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing hindi na mapapanod sa revamp ng "Mars" si Suzi Entrata-Abrera, na napapanood pa rin sa early morning show na "Unang Hirit."
Ang bagong makakasama ni Camille sa "Mars Pa More" tuwing umaga simula sa July 8 ay ang "Chika Minute" host na si Iya Villania.
"It's such a light set, everyone's so happy kasama ko pa si Cams [Camille] tapos ka-text ko pa si Suzi, so napakadali talaga. It makes it so much easier to enjoy the set," sabi ni Iya.
Magiging pasabog daw agad ang pilot episode ng show dahil makakasama nina Iya at Camille ang kanilang mga first born at makakakuwentuhan din nila ang Pambansang Bae na si Alden Richards.
"If there's one thing that I love about 'Mars' is that they really open up to the show," sabi ni Camille.
Sa naunang ulat, sinabi ni Camille, na ang GMA management ang nagdesisyon na iba naman ang i-partner sa kaniya bilang co-host.
"Pero, kaya lang kasi talaga nu'ng nag-transition na to GMA, na-explain naman din sa amin nang maayos why ayaw din siyang papiliin kasi ng management na 'Magma-'Mars' ka ba or mag-u-'Unang Hirit ka?' 'Unang Hirit' has been there for 11 years I think, so dun din siya halos nag-grow."
Nagkaroon aniya ng iyakan nang magkausap sila ni Suzi.
"Siyempre iyakan, iyakan talaga kasi siyempre si ate has always been family to me. Lagi ko naman shini-share 'yun na most of the things that I've learned as a host, I got that from her. Siya rin 'yung halos nag-mentor sa akin. Sobra din kasing kilalang-kilala na namin 'yung isa't isa."
Ngunit tinanggap ito ni Suzi "professionally" at naunawaang parte ito ng trabaho.
"And it's not an easy decision for her to make also that's why GMA didn't have to ask her to make that decision anymore."
"That's why she took it professionally. She was just sad. Of course she's hurt, but more than that, she took it professionally and, mahal niya kasi 'yung show eh, mahal niya 'yung mga tao ng programang ito."
Abangan ang bagong "Mars" tuwing umaga sa GMA simula sa July 8. --FRJ, GMA News
