Nagbabalik sa paggawa ng kaniyang mga music record ang beteranong OPM singer na si Renz Verano, na nasa likod ng mga classic song na "Remember Me" at "Ibang-iba Ka Na."

Pumirma si Renz sa GMA Music nitong Miyerkoles ng distribution deal para sa kaniyang  bagong single na "Huwag Kang Mag-alala."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Renz Verano signs a distribution contract GMA Music!

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on

 

"Well tatak Renz, as usual 'yung tatak Renz. Yung ika nga parang nakakain daw ng bubog 'yung boses," natatawa niyang sabi.

Inihayag din ni Renz na may "millennial-feel" ang kaniyang bagong single.

"Ang mga bagong recording [ko] ngayon, hindi masyadong malalim ang mga ginamit naming lyrics dito. Kaya medyo pang-millennial."

"It's still a love song but not like before na talagang love-rock ballad. Ngayon, medyo magaan. I would say it, it's a little bit lighter than the music that we used to have," dagdag pa ni Renz.

Nagpasalamat naman si Renz sa GMA Music sa partnership.

“Sana magiging maganda itong relasyon namin at sana magkaroon ulit tayo ng magandang hit.”-- FRJ, GMA News