Kinagiliwan ng netizens ang eksena kung saan pinagsasampal at pinagsusuntok ni Sanya Lopez si Benjamin Alves sa kanilang drama series na "Dahil Sa Pag-ibig."

Sa Star Bites report ni Athena Imperial sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing nakatanggap ng 22 sampal at suntok si Benjamin mula kay Sanya.

Makikita naman sa Instagram post ni Sanya ang pagbibilang ng cast at crew ng serye ng kaniyang mga sampal at suntok habang sabay-sabay silang nanonood.

"AKALA NYO SI PACQUIAO NO? Nagkakamali kayo si Mariel Corpuz lang to," natatawang caption ni Sanya sa video.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

AKALA NYO SI PACQUIAO NO? Nagkakamali kayo si Mariel Corpuz lang to ???? #DahilSaPagIbig #StaffAndCrew

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on

 

Nangyari ang matinding komprontasyon ng mga karakter nina Sanya at Benjamin na sina Eldon at Mariel matapos na mabunyag ang naging relasyon ni Eldon kay Portia [Winwyn Marquez].

Napapanood ang seryeng "Dahil Sa Pag-Ibig" sa Afternoon Prime ng GMA-7. -- Jamil Santos/FRJ, GMA news