Hindi biro, ibang klase, sobrang hirap.

Ito ang nabanggit ng male stars ng Kapuso upcoming series na Philippine adaptation ng “Descendants of the Sun,” na pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Rocco Nacino.

READ: Cast ng remake ng 'Descendants of the Sun,' ipinakilala na

Alamin kung gaano kahirapan ang ginagawang military training ng special forces na pilit kinaya nin Dingdong, Rocco, Lucho Ayala, Paul Salas, Prince Clemente, at Jon Lucas.

Sumabak sila sa paglublob at paggulong sa putik, tumakbo sa bundok, nagbuhat ng troso, tusok-ulo, marami pang iba. At kahit sa gabi na inakala nilang oras na ng pahinga, kailangan pa rin nilang magsanay hanggang sa pumatak ang kanilang pawis.

Pero kahit gaano kahirap ang kanilang training, walang sumuko at walang umayaw. Panoorin.


--FRJ, GMA News