Maituturing "aksidente" lang ang pagkakapasok ni Isabelle de Leon sa showbiz. Kuwento ng aktres, apat na taong gulang lang siya noon nang isinama siya ng ama sa dinaluhang scriptwriting workshop ni Ricky Lee, nang may maghikayat sa kaniya na mag-audition sa isang proyekto na naghahanap ng bata.

At magmula noon, nagtuloy-tuloy na ang kaniyang showbiz career at umani ng paghanga sa kaniyang role sa award-winning film na 'Magnifico' noong 2003. Panoorin ang kuwento ng buhay ni Isabelle sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News