Mapapanood na rin ang pelikula ng Kapuso comedy genius na si Michael V. na "Family History" sa mga piling sinehan sa Amerika.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing magsisimulang mapanood sa U.S. ang pelikula sa Oktubre 11, ayon na rin sa Instagram post ni Bitoy.

 

Nakalagay sa post ni Bitoy ang listahan ng mga movie houses na puwedeng puntahan ng mga Kapuso sa East at West Coast.

Leading lady ni Michael ang beteranang aktres na si Dawn Zulueta, at kasama din sa drama movie ang tandem nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. — Jamil Santos/MDM, GMA News