Ikinuwento ni Kyline Alcantara sa online show "ArtisTambayan" kung bakit "Sunflowers" ang lagi niyang tinatawag sa kaniyang fans.

"Ito na nga. We hiked sa isang bundok sa Bicol which is Kawa-Kawa and then meron po silang field ng sunflowers doon and after that nag-brighten up 'yung day ko. Tapos after nu'n, I kept on saying and saying, making kuwento about the sunflowers na nakita ko at kung ano 'yung naging epekto niya sa akin, sa mga magulang ko," saad ng La Nueva Diva.

Ang mga magulang daw ni Kyline ang nagmungkahi sa kaniya na sunflowers ang itawag sa kaniyang supporters.

"So sabi nila sa akin, 'Di ba masaya ka rin and nagba-brighten up din 'yung day mo kapag nakakakita ka ng sunflowers?' Sabi ko, 'Mm Mm' (tumango). Tapos sabi nila 'Why don't you call them sunflowers?'"

"Hmm that's so nice," tugon naman ni Kyline sa mga magulang.

"Maganda rin pong symbol siya because I'm spreading positivity and happiness so sunflowers, sun and then yellow, it symbolizes happiness," patuloy niya.

Napapanood ngayon ang pelikula ni Kyline na "Black Lipstick" sa mga sinehan.

Panoorin ang kulitan kasama si Kyline sa Kapuso ArtisTambayan.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--Jamil Santos/FRJ, GMA News