Sa kaniyang Instagram account, magkakasunod na nag-post ni Ruffa Gutierrez ng mga larawan ng kaniyang masayang pamilya at sinabing "thankful" siya dahil nagtutulungan sila kahit pa nagkakatampuhan sila kung minsan.

Sa naturang post, makikita ang tila throwback happy moments ng mas lumalaki pang Gutierrez family na binubuo ng mga magulang nilang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, at kaniya ring mga kapatid na sina Rocky, Elvis, Richard at Raymond.

Present din ang asawa ni Elvis na si Alexa Uichico, at fiancé ni Richard na si Sarah Lahbati. Makikita rin sa ibang larawan si Ruffa kasama ang mga anak na sina Lorin Gabriella at Venice.

"Waking up today with a grateful heart.  Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family. Masaya, minsan nagkakatampuhan, maingay (lalo na si mommy) pero ang pinakaimportante nagtutulungan at nagmamahalan kami. I love you fambam!!   #Blessed #FamilyLove #happylife" caption ni Ruffa.

 

 

Kasunod pa nito, binati rin ni Ruffa ang kaniyang inang si Annabelle na malapit nang magdiwang ng kaniyang kaarawan.

Proud aniya si Ruffa na anak siya ni Annabelle.

 

"Ang ina ang ilaw ng tahanan, gumagabay sa mga anak, ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip.”  In 7 days, my mom @annabelleramaig celebrates her birthday.   Today I would like to honor her and say that i am proud to be Annabelle’s daughter. A fiercely loyal wife, mother and friend. Thank you for all that you do for our family. Nag-iisa ka. " anang beauty queen.

Matatandaang nadawit si Ruffa sa awayan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto matapos niyang purihin si Julia sa isang post.

Pinuri ni Ruffa si Julia, sa isang morning selfies ng huli at nagpahayag ang una sa dalaga na "fresh."

Sa naturang post ni Ruffa, nagkomento at nagparing naman si Gretchen ng, "Sawsaw pa more," na may kasamang paalala sa kinasangkutan noon ni Ruffa na isang film fest scandal.

READ: Gretchen brings back ghost of ‘94 film fest after Ruffa greets Julia on Instagram

Si Julia at anak ni Marjorie, na kairingan ngayon nina Gretchen at Claudine.

Kaagad namang idinepensa si Ruffa ng kaniyang inang si Annabelle sa patutsada ni Gretchen.

Nauna nang nag-post ng isang cryptic post si Ruffa tungkol sa confidence ng isang tao sa kabila ng paghila pababa sa kaniya ng iba.

 

 

Hindi naman naiwasan ng ilang netizens na maghina na may pinapatamaan si Ruffa sa kaniyang mga post. Bagaman may mga pumuri sa naturang mga post ng aktres, mayroon din ilang pumuna at nagsabing nais lang niyang magpapansin.

Pero sa isang ulat ng PEP.ph, sinabi umano ni Ruffa sa kaniyang IG story na wala siyang pinapatamaan sa kaniyang posts at nais lang niyang ipaalam kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya.--FRJ, GMA News