Labis ang pasasalamat ni Betong Sumaya sa GMA Network matapos siyang pumirma muli ng kontrata sa GMA Artist Center.
"Sobrang honored pati sobrang blessed. Kasi minsan nga tinatanong ko sa sarili ko kung ano 'yung nagawa ko para pagkatiwalaan nila, na-validate na dahil na-renew ulit ito," saad niya.
Betong Sumaya remains a Kapuso after renewing his contract with GMA Network today, Oct. 31. He will have his first major concert titled “Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?” on Nov. 21 at Music Museum. @gmanews pic.twitter.com/Y6kiWopZuK
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) October 31, 2019
Bukod sa pagiging "Bubble Gang" comedian, lagi rin nagtatanghal si Betong para sa mga Kapuso abroad sa iba't ibang bansa.
"'Yung mga GMA Pinoy TV na mga concert, makapunta sa ibang bansa, sobrang malaking opportunity 'yun at hindi ko 'yun magagawa basta-basta, magkaroon ng mga teleserye, magkaroon ng movies din dito sa GMA," saad niya.
Nagtrabaho na noon pa si Betong sa Kapuso Network sa News and Public Affairs, hanggang sa itinanghal siya bilang Celebrity Sole Survivor ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown noong 2012.
Pinakaini-enjoy daw ni Betong sa kaniyang trabaho ang makasama sa proyekto ang kaniyang mga iniidolong artista.
"'Yung makatrabaho po 'yung mga pinakainiidolo ko po na mga artista, lalo na si kuya Bitoy... 'Yung first teleserye ko po [kasama ko] si sir Dingdong, first comedy show ko [kasama ko] si miss Marian. Grabe," saad niya.
"Yung makasama ang mabibigat na artista, sina Alden (Richards), sina Dennis (Trillo) at Tom (Rodriguez), si miss Carla (Abellana), si miss AiAi (delas Alas)," patuloy niya.
Higit sa lahat, natutuwa si Betong sa tuwing nakapagpapasaya siya ng mga tao sa "Bubble Gang."
"And then 'yung craft to make people happy doon sa Bubble Gang, 'yun 'yung nakakatuwa. Every time meron kang Kapuso o merong magtu-tweet sa iyo sa [Twitter], sabihin na kahit paano naibsan ko 'yung kalungkutan nila, kahit pagod at puyat ka, kasi part naman 'yun, nakaka-uplift ng spirit, nakakatuwa na kahit paano may napasaya akong tao," saad niya.
Present sa contract signing ni Betong sina Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable at GMA Artist Center AVP for Talent Imaging and Marketing Simoun Ferrer. --FRJ, GMA News
