May paliwanag ang boy group na SB19 kung bakit "A'TIN" ang tawag nila sa kanilang fans.
"Kasi po SB19, kaya 'A'TIN.' Iyon po ang pinaka-meaning behind that kasi, 18, 19, kumbaga sila muna bago kami. Kung walang 18, walang 19, hindi dadating sa 19," paliwanag ng leader ng grupo na si Sejun sa Kapuso ArtisTambayan.
"'Yung spelling din po no'n, A'TIN, 'pag binasa mo po siya in Filipino or in Tagalog, inserts as 'atin' 'to," ayon pa kay Sejun.
Samantala, nagkulitan naman ang SB19 members at nilaglag ang isa't isa kung sino ang pinakasuplado at kung sino ang pasaway. Bakit nga ba nagkaisa ang grupo na si Ken ang pinakapasaway?
Ikinuwento rin ng grupo ang tindi ng kanilang practice, na siyam na oras at anim na beses sa isang linggo.
— Jamil Santos/MDM, GMA News
