Kinumpirma ng pamilya ang pagpanaw ng 41-anyos na aktor na si Miko Palanca.

"We are extremely saddened and heartbroken by the sudden passing of our beloved brother, Miko Palanca. The whole family is grateful for the incredible outpour of love and support that has been coming in today," saad sa inilabas ng pamilya ni Miko na makikita sa Instagram account ng kaniyang kapatid na si Erika Hocson.

Gayunman, hindi binanggit sa pahayag ang dahilan ng pagpanaw ng aktor.

"As of now, we respectfully request for privacy as we go through this very difficult time. Again, we appreciate all the love and support  — thank you so much," dagdag sa pahayag.

 


Sa hiwalay na post, nagpahayag din ng kaniyang mensahe si Erika para sa kaniyang kuya.

"I love you. Didn't say it enough, but I did. I do. So much. I'm so glad I got to tell you how much I looked up to you growing up. Thank you, kuya," saad niya.

Nag-post din ng mensahe sa hiwalay na IG account ang isa pang kapatid ni Miko na si Martin.

 


"Already missing you kuya. Wish you didn't go so soon. Rest easy now. I love you," aniya.

Buhos din sa Twitter ang pagkagulat ng netizens sa nangyari sa aktor at ang pakikiramay nila sa pamilya nito.— FRJ, GMA News