Inalmahan ni Priscilla Almeda ang mga komentong nababasa niya na diumano'y isa siyang homewrecker kasunod ng pagbabalikan nila ng aktor na si Jomari Yllana.

Sa ulat ni Arniel C. Serato sa PEP.ph, inihayag ni Priscilla ang sama ng loob sa mga nag-iisip na nanira siya ng pamilya.

"Ang sama ng mga comments, iniisip nila homewrecker ako.

"Hindi naman kasal si Jom at Joy."

Ang tinutukoy umano ni Priscilla ay ang dating live-in partner ni Jomari kung saan may dalawang anak ang aktor.

Ayon kay Priscilla, taong 2018 pa naghiwalay sina Jomari at dati nitong kinakasama.

"I'm not a homewrecker because there wasn't a home to wreck.

"There wasn't a home to wreck because they were separated na," saad ni Prescilla, na nagbalik-bansa matapos ang ilang taong paninirahan sa Canada.

Mensahe pa ni Priscilla sa bashers: "Everybody is entitled to their own opinion.

"But if you look at the facts, kami ni Jomari, we're very much single, na puwede kaming magiging together.

"I entered the picture, wala na sila.

"And his responsibilities with his kids, ginagampanan naman niya," pagdiin niya.
Priscilla Almeda: "I’m not a homewrecker."

Sa hiwalay na panayam ni Arniel, sinabi ni Jomari na 2018 pa sila naghiwalay ng dati niyang kinakasama dahil sa marami raw silang mga bagay na hindi pinagkakasunduan.

Itinanggi rin niya ang alegasyon na nambababae siya at nagkaroon ng karelasyon na matrona na nagsusustento sa kaniya.

Nang tanungin kung paano dumating sa puntong nagdesisyon siyang ayaw na niya, tugon ng aktor, “Kung titingnan ko yung naging sitwasyon namin, it’s really irreconcilable differences, na talagang iba lang yung pagkatao niya sa pagkatao ko."

Samantala, ikinuwento naman ni Jomari na taong 2015 o 2016 sila muling nagkaroon ng komunikasyon ni Prescilla, na naging karelasyon niya noong kabataan pa nila sa showbiz.

"Na nag-uusap kami tungkol sa pulitika, buhay sa Pilipinas. Iyan yung time na nagpi-prepare naman ako for public office.

“And since then, nag-reconnect kami.”

Nang tanungin kung si Priscilla ba ang first love niya, saad ni Jomari, "Siguro kami, nabibigyan kami ng pagkakataon na ma-meet ulit ang isa’t isa, na kung saan meron kaming sitwasyon na in a way magkahawig."

Dagdag pa niya, "And kami naman, we always had good vibes sa isa’t isa, and good memories.” -- For more showbiz news, visit PEP.ph