Handa na sa biritan at pasiklaban ang 24 Teen Clashers na sasabak sa biggest clash ng taon na “The Clash Teens.”

Sa webisodes ng “Behind The Clash,” ipinakilala na sa tatlong batch ang opisyal na Teen Clashers, ayon sa Unang Balita nitong Martes.

Ipinasulyap din ang kanilang precious moment nang malamang pasok sila sa Top 24.

Hindi naman nga makapaghintay sa Gen Z takeover ang returning Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Patuloy na mangunguna ang esteemed Clash panel na kinabibilangan ni Asia's Romantic Balladeer Christian Bautista.

Makakasama niya bilang bagong judges na sina “Star of the New Gen” Jillian Ward at BGYO member at former Clasher na si JL Toreliza.

Matutunghayan na ang bakbakan sa biritan sa Hunyo 7, Linggo ng 7:15 p.m. sa GMA.—Jamil Santos/FRJ GMA News