Kilala na bilang isang batikang reporter ng GMA News, pero pinalago pa ni Cesar Apolinario ang kaniyang mga talento nang mag-aral siya ng  filmmaking.

Sa programang "Tunay Na Buhay," sinabing nanalo sina Cesar at Susan Enriquez bilang "Best Magazine Show Hosts" sa PMPC Star Awards for Television para sa "iJuander" noong 2014.

Taong 2017 naman nang parangalan ang i-Witness documentary ni Cesar na "Body Collector" ng US International Film and Video Festival.

Matapos niyang mag-aral ng filmmaking, idinerehe ni Cesar ang pelikulang "Puntod" noong 2009, na pinagbidahan ng ngayo'y Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Naging pelikula rin ni Cesar ang "Dance of the Steel Bars" noong 2013, na pinagbidahan ni Dingdong Dantes.

Alamin kung ano ang masasabi kay Cesar ng ng mga artista at kapwa mamamahayag na nakatrabaho niya. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News