Ano ang dapat gagawin ng isang magulang kung nagastos niya ang nakuhang aginaldo ng kanilang anak? Narito ang payo ng mga bulilit Kapuso star na sina Leanne Bautista, Yuan Francisco at Angelica Ulip.

Ginawa nina Leanne, Yuan at Angelica, ang payo nang maging guest sila sa " Sa Payong Paslit Po" segment ng programang "Unang Hirit." Anila, unang dapat ipaliwanag ng mga magulang sa kanilang mga anak kung bakit nila nagastos ang kanilang napamaskuhang pera.

Mungkahi pa ng tatlo, makabubuting palitan ng mga magulang ng nagastos na pera ng mga anak at ituro ang pag-iipon sa kanilang mga anak. Panoorin ang buong kulitan sa video na ito.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News