Mula sa pagiging broadcast journalist, isa nang ganap na piloto si Steve Dailisan bilang First Officer ng Cebu Pacific. At ang inilagay niyang pangalan sa kaniyang ID, ang tumatak sa pandinig ng mga publiko— ang pinahabang pagbigkas sa pangalan niya na "Steeeve."
"This is your First Officer Steeeeeeve Dailisan, together, let's make moments golden! Flying with you!" saad ni Steve nang i-post niya ang kaniyang ID sa Twitter nitong Martes.
Nilagyan din niya ito ng mga hashtag na, #paraconsistent, #SteeeveIsJuanwithYou, #momentmake and #makeithappen.
This is your First Officer Steeeeeeve Dailisan, together, let's make moments golden! Flying with you!#paraconsistent ?????????
— Steeeve Dailisan (@stevefdailisan) January 7, 2020
@CebuPacificAir#SteeeveIsJuanwithYou#momentmaker#makeithappen pic.twitter.com/GQrrzXHvUF
Oktubre 2018 nang umalis si Steve sa media industry para abutin ang kaniyang pangarap na maging pilot. Nitong nakaraang Abril, nakuha niya ang kaniyang lisensiya bilang isang commercial pilot.
Saad niya noon, ang pagiging piloto ang katuparan ng kaniyang pangarap at layunin sa buhay.— FRJ, GMA News
