Nasawi sa helicopter crash ang 41-anyos na NBA legend na si Kobe Bryant at kaniyang 13-anyos na anak na babae umaga nitong Lunes. Kabilang ang ilang Pinoy celebrity sa nagdalamhati sa nangyaring trahediya.

Bukod sa mag-amang Bryant, may pito pang sakay ang helicopter na pawang nasawi rin sa trahediya naganap sa Calabasas, California.

Ayon sa mga saksi, narinig nilang pumutok ang makina ng helicopter bago tuluyang bumagsak at nagliyab.

May binuo nang grupo ang mga awtoridad na magsisiyasat sa nangyaring insidente.

April noong 2016 nang magretiro si Kobe sa NBA. Pero ang kaniyang husay sa hardcourt,  naging insiprasyon sa mga kabataan at kaniya namang ibinahagi.

Nasangkot din siya sa kontrabersiya nang akusahan siya ng sexual assault ng isang hotel employee noong 2003. Pero ibinasura ng korte ang reklamo nang hindi sumipot sa pagdinig ang nag-aakusa.

Mayroong apat na anak na babae si Kobe at anng kaniyang asawa na si Vanessa.
Noong 2011, nagkahiwalay ang dalawa pero nagkabalikan din noong 2013.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa tinaguriang "Black Mamba" ng NBA, hindi lang sa mga taong humahanga sa kaniya, kung hindi maging sa mga celebrity at politicial sa iba't ibang panig ng mundo.

Kabilang sa mga hindi makapaniwala at nalungkot sa pangyayari ay si basketball legend Michael Jordan, na itinuturing little brother si Kobe.

Nakiramay at nagdadalamhati rin sina Lebron James, Shaquille O'Neal, John Legend, Kanye West, Ellen Degeneres, Reese Witherspoon,  at Justin Bieber, dating US President Barack Obama at kasalukuluyang US President Donald Trump.

Sa Pilipinas, nag-post si Senador at boxing icon Manny Pacquio na: "The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever!"

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever! #RIPMamba

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

 


Pahayag naman ni Michael V.: "Alam ko namang lahat tayo doon din ang punta pero to have people say goodbye so soon seems unfair to some of us. Buti na lang naniniwala akong He has a reason for all of these things."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

RIP Kobe ???????????? #ripmamba #mambaout #kobebryant #legend #ripkobeandgianna

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

 

--FRJ, GMA News