Naging mas makabuluhan pa ang kaarawan ni Kuya Willie Revillame nitong Lunes sa pagtulong ng mga Kapuso star para sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal sa ginanap na live epsiode ng "Wowowin" nitong Lunes.

Sa ulat ni Lyn Ching sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing bumisita sa programa si "Star For All Seasons," Batangas sixth district congresswoman at ninang ni Willie na si Vilma Santos-Recto.

Present din sina Ken Chan, Rita Daniela, Derrick Monasterio, Jeric Gonzales, David Licauco at iba pang GMA Artist Center talents na tumulong na mag-repack ng mga donasyon.

"It's a big, big celebration and hindi lang siya basta celebration of another life but it's also a moment to help other people," sabi ni Rita.

"Kuya Wil, saludo kami sa 'yo at nandito lang kaming mga Kapuso mo para tulungan ka at makitulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal," ani Ken.

Nagkaroon din ng world-class na kantahan nang mag-solo numbers sina Rachelle Ann Go, Julie Snne San Jose, Gerphil Flores, Nina at Marcelito Pomoy.

Makapukaw-damdamin naman ang sama-sama nilang pag-awit ng "May Bukas Pa" na pinangunahan mismo ni Kuya Wil.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News