Umusad sa grand finals ng "America's Got Talent: The Champions" ang Pinoy singer Marcelito Pomoy matapos niyang mapabilib muli ang mga tao at judges sa mala-doble-kara niyang boses.
Nakatanggap muli ng standing ovation si Marcelito sa semifinal round nang bumirit siya nang lalaki at babaeng boses sa awitin ni Andrea Bocelli na "Time to Say Goodbye."
Sabay-sabay na nagtayuan ang mga hurado ng AGT na sina Howie Mandel, Alesha Dixon, Heidi Klum at ang metikolosong si Simon Cowell.
Sabi ni Howie, naniniwala siya na si Marcelito ang may "the best shot of winning this whole thing."
"The woman in you was just as good as she was the last time. But you as a man, you went up a notch. She tried to stay up with you but she couldn’t,” biro pa ni Howie.
Sinabi naman ni Alesha na mahusay ang piniling kanta ni Marcelito.
Inihayag naman ni Heidi na hinihintay niya ang pagtatanghal ni Marcelito.
Para naman kay Simon, tapos na ang "surprises" ni Marcelito sa doble-kara niyang boses kaya iminungkahi niya sa Pinoy na "to take a bigger risk" sa grand finals.
"But I do believe with a gift that you've got, you've got a massive career right in front of you, you're really really good," dagdag niya.
Taong 2011 nang magkampeon si Marcelito sa Philippine franchise ng America's Got Talent. Napanood na rin siya The Ellen DeGeneres Show noong 2018.
Panoorin ang kaniyang pagtatanghal sa AGT na naging daan para makapasok siya sa finals.
--FRJ, GMA News
