Matapos na may mangyari sa kanila, hindi maiwasan na magkaroon ng ilangan sa isa't isa sina Jaime at Lilian. Pero hindi makaliligtas sa matinik na obserbasyon ni Brianna ang kakaibang pagtitinginan ng dalawa kaya isusumbong niya ito kay Kendra.
Samantala, may maitim na binabalak na naman si Kendra laban kay Lilian at sa kaniyang plano, mismong si Jaime raw ang magpapalayas sa kaniyang karibal. Panoorin ang mga pangyayari sa episode nitong Huwebes.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
