Matapos ang 15 taon, reunited ang original dancers ni Kuya Willie Revillame at mapapanood silang muli sa "Wowowin Primetime."

Sa isang video ng GMA Network, makikitang muling nagsama-sama sina Congrats, Mariposa, Luningning, Lovelly at iba pang dancers ni kuya Wil.

Kuwento ni Lovely, nag-ugat ang kanilang reunion noong sorpresahin nila si Kuya Wil sa birthday nito.

Ayon naman kay Mariposa, "Sinorpresa natin si kuya, and then, siyempre nagka-reunion na rin, natuwa si Kuya sa amin, sabi niya, 'Bakit hindi kayo mag-guest?' sabi niya noong time na 'yon."

"Siyempre natuwa kaming lahat. Promise po, God knows talagang kami rin kinikilabutan po habang nagpe-perform kasi tears of joy, ito na uli kami after all these years nandidito na ulit kami sa TV," dagdag ni Mariposa.

Thankful ang original dancers ni Kuya Wil na nakasama rin sila sa launching ng Wowowin Primetime.



--Jamil Santos/FRJ, GMA News