Kasabay ng paparating na summer, pinainit ni Heart Evangelista ang social media sa kaniyang daring photo.
Sa kaniyang Instagram, ipinost ng Kapuso star ang larawan niya na topless at bahagyang nakatalikod.
"Treasure yourself every single day," saad ni Heart sa caption ng larawan.
Pinusuan agad ng libo-libong netizens ang daring photo ni Heart, kasama na ang ilang celebs tulad nina Iza Calzado, Maja Salvador, Maggie Wilson, Mark Bautista, Thia Thomalla, Kim Domingo, at iba pa.
Napa-throwback na rin si Heart noong nakaraang taon ng mga daring photo niya bilang 2013 Tanduay calendar girl.
"First and last time I ever did something like this!" caption ni Heart. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News
