Ginunita ni Kapuso comedy genius Michael V. ang ika-11 anibersaryo ng kamatayan  ng kaniyang kaibigan na si Filipino King of Rap Francis Magalona.

Sa kaniyang Instagram, nagbigay-pugay si Bitoy kay Francis sa pamamagitan ng isang customized portrait, na may kasamang signature na "3 stars and a Sun" ng Master Rapper.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

3-6-9-12 (March 6, 2009, 12pm)

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

"3-6-9-12 (March 6, 2009, 12pm)" caption ni Bitoy, na siyang petsa nang mamaalam si Francis M.

Matalik na kaibigan ni Francis M si Michael o Bitoy, na isa ring rap singer bago naging komedyante.

Dati na ring nagbigay ng tribute si Bitoy kay Francis nang magpa-tattoo siya sa likod ng "3 stars & a sun."

Inalala rin ng misis ni Francis M. na si Pia Magalona ang kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng isang throwback post.

 

 

"03.06.2020. Here we are in Baguio in the mid-90s, only half-shooting the breeze, because each moment we spent together ultimately turned into a discussion of grand proportions," caption ni Pia.

"That’s what I miss most about us, that fiery passion built on even the most mundane of circumstances. You are always and forever with us, and most especially in my heart.  I love you!" pagpapatuloy niya.

Napapanood si Francis sa "Eat Bulaga" nang matuklasan na mayroon siyang sakit na Acute Myelogenous Leukemia. Sumailalim siya sa mga gamutan pero kinalaunan ay pumanaw sa edad na 44.--FRJ, GMA News