Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang nakatutuwang TikTok video ni Mahal na napagkamalang pusa sa opisina ng GMA Network.
Sa video, maririnig ang malalakas na tila "meow" ng isang pusa sa opisina, pero sa paglapit ng uploader, makikitang si Mahal pala ito.
May halos isang milyong views na at 21,000 reactions ang video mula nang mai-post ito.
Bahagi ng cast si Mahal ng pinakabagong GMA series na "Owe My Love," na pagbibidahan nina Benjamin Alves at Lovi Poe. Kasama rin sa cast sina Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez at Ryan Eigenmann.
Full force naman ang Kapuso comedians na sina Leo Martinez, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Donita Nose, Divine Tetay, Jason Francisco, Long Mejia, Mike "Pekto" Nacua, Brod Pete, Buboy Villar, Kiray Celis, Jessa Chichirita, at si Mahal. —Jamil Santos/LBG, GMA News
