Itinanggi ni Sunshine Cruz ang sinabi ni Chuckie Dreyfus sa segment na "Bawal Judgmental" ng "Eat Bulaga" noong Sabado na naging "sila" noong kabataan nila.
"There was no us," saad ni Sunshine sa sinabi ni Chuckie, ayon sa ulat ni Rachelle Siazon sa PEP.ph.
Nagkasama sina Sunshine at Chuckie sa dating sikat na youth-oriented show na "That's Entertainment."
Sa episode ng "Bawal Judgmental" nitong Sabado, Marso 14, ang mga alumni ng That's Entertainment ang choices ng celebrity contestant na si Heart Evangelista.
Kabilang sa choices si Chuckie at dito niya nabanggit na nagkaroon siya ng "nine" o "ten" girlfriends sa That's Entertainment.
READ: 'Bawal Judgmental': Heart, inusisa ang 'That's Entertainment' stars sa kanilang mga ex
Tinanong si Chuckie na pangalanan ang dalawa sa naging nobya niya at dito nabanggit ang pangalan ni Sunshine.
Sabi ni Chuckie, matagal niyang niligawan si Sunshine at tumagal daw ng six or seven months ang kanilang relasyon.
Pero sa Facebook post nitong Linggo ni Sunshine, sinabi ng aktres na imposibleng naging sila ni Chuckie.
Iisa lang daw ang naging karelasyon ng aktres noong dalaga pa siya.
"In a time when our country is battling a very difficult crisis, nakisali ka pa sa gumagawa ng fake news that’s not going to be of any help at all," bungad ni Sunshine.
"I was 14-15 years old when I joined That’s Entertaiment. Batang-bata!
"Meaning wala akong balak makipag relasyon dahil ang gusto ko makakuha ng break at makatulong sa pamilya ko."
Hindi rin daw maintindihan ni Sunshine kung bakit sinabi ni Chuckie na naging sila ng "6 to 7 months."
"Lalong wala akong inilaan na 6-7 months para sayo. Sabi mo nga hindi mo na matandaan. Ano ba talaga?
"Baka naman ibang tao ang tinutukoy mo?"
Noon pa man ay madalas nang sabihin ni Sunshine na ang action star na si Cesar Montano ang una at huli niyang boyfriend.
Pinabulaanan ni Sunshine ang isa pang sinabi ni Chuckie tungkol kay Jessa Zaragoza na naging ex-girlfriend din umano ng aktor. --For the full story, visit PEP.ph
