Proud si Mylene Dizon sa resulta ng ginawa niyang paggupit sa buhok ng nobyong si Jason Webb ngayong enhanced community quarantine.

"'Yung daughter niya sabi sa kaniya gugupitan daw siya. Ginupitan siya ng daughter niya," kuwento ni Mylene sa Kapuso Showbiz News.

"Ay jusko! Maryosep, ay talagang nakakatawa! As in. So ako, nakatingin na lang ako pero parang 'Ano ang gagawin mo?' So pinanindigan ni Jason ng ilang araw na ganoon 'yung buhok niya," kuwento ng aktres.

Pabirong paglalarawan ni Mylene, tila "na-murder" ang buhok ng kaniyang asawa.

"Tumingin siya sa akin sabi niya 'Gupitan mo na ako, ayusin mo na ito,'" natatawang kuwento ni Mylene.

"Sabi ko hindi ako marunong maggupit pero may clippers naman eh. Sabi ko sa kaniya, 'Kung hindi maganda ang kinalabasan eh 'di ahitin nating lahat, ganoon na lang.'"

Hindi man gaanong marunong maggupit si Mylene, maayos naman ang kaniyang haircut kay Jason.

"Eh maganda namang lumabas, pantay. Actually okay eh! Puwede eh!" masayang sabi ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My masterpiece! Who's next? @tomasparaiso! Lucaaaaaaaas!

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on


--Jamil Santos/FRJ, GMA News