Inilahad ni Kris Bernal ang dahilan kung bakit hindi agad niya naibigay ang matamis niyang oo nang mag-propose na sa kaniya ng kasal si Perry Choi.

Sa kaniyang latest vlog, ipinakita ni Kris ang mga ginawa niyang paghahanda sa likod ng kaniyang sorpresa para kay Perry na magdiriwang ng kaarawan.

Matatandaang matapos ang kaniyang sorpresa, hindi inasahan ni Kris na may inihanda rin palang sorpresa para sa kaniya si Perry.

Ito ang pagkakataon na lumuhod ang nobyo sa harapan niya at tinanong na siya ng "Will you marry me?"

"It took me a while to say yes because — unfortunately my mom didn't make it to the party as she had to look after her grandchildren at home," saad ni Kris sa video.

Ayon kay Kris, mahalaga para sa kaniyang ina ang bawat desisyon na ginagawa niya sa buhay, kaya gusto rin sana niyang kasama ito sa surprise.

"Perry told me that everyone in the family knew about it. He went to my family some time in January 2020 to ask their blessings," ani Kris sa video.

"You are the person that I would not mind seeing and being with every day for the rest of forever. I love you, immensely, Perry. Getting engaged with you is by far the best decision I've made," sinulat ni Kris sa kaniyang video.--Jamil Santos/FRJ, GMA News