Dahil bawal mag-date ngayong umiiral pa rin ang community quarantine, nagpalitan na lang muna ng matatamis na mensahe sina Jak Roberto at Barbie Forteza para ipagdiwang ang ikatatlong anibersaryo ng kanilang pagiging magkasintahan.

Sa kaniyang Instagram post, napa-throwback si barbie sa naging romantic moment nila ni Jak nang magpunta sila Mt. Moiwa Bell of Happiness sa Sapporo, Japan.
"Being with you has been one of the best things that’s ever happened to me. You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love and when it all feels overwhelming... you love more. Happy 3rd Anniversary, @jakroberto [heart emoji] I love you," saad ni Barbie sa kaniyang nobyo.

 

 

 

Si Jak naman, idinaan sa throwback ng kanilang funny moments ang ginawang pagbati kay Barbie.

Nag-upload si Jak ng video kung saan ginulat niya si Barbie sa paglabas nito sa CR.

"Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, Akalain mo yun 3yrs na! Sayang di tayo makapagcelebrate alam mo na. So paano sa May 19, 2021 nalang? Stay at home muna tayo! I love you so much  P.S eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isat-isa," saad ng aktor

 

 

Naging magkasintahan sina Barbie at Jak noong Mayo 19, 2017.

Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magsama sila para sa Kapuso series na "Meant To Be."-- FRJ, GMA News