Inihayag ng "Bubble Gang" babe na si Faye Lorenzo ang dahilan kung bakit naka-bikini lang siya habang naglalaro ng online games.

Sa Chika Minute ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras," sinabing libo-libo ang nag-like sa larawan na ipinost sa Instagram ni Faye, na isang ring online gamer.

"Nagkataon lang kasi at that time, mainit ang panahon tapos parang nami-miss ko na ngang magpunta sa beach, tutal nasa loob lang din naman ako ng bahay at kuwarto ko," natatawang paliwanag ni Faye.

"Abangan nila 'yan kung ganoon talaga 'yung get-up ko kapag nagla-livestreaming ako," dagdag pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Grabe Init! Tara Laro Tayo? ????‍????????‍??????????‍?? #sexygoddessonlinegamer

A post shared by Faye Lorenzo (@fayelorenzo_) on

 

Samantala, sumabak din si Faye sa online dating game na "E-date Mo Si Idol" na show ng GMA Artist Center kung saan maaaring maka-date ng fans ang kanilang mga idolo.

Bukod sa kuwentuhan, marami raw pasabog si Faye para sa fans.

"Malalaman nila kung ano 'yung gusto ko sa isang guy, 'yung mga funny side ko," sabi ni Faye.

Bukod kay Faye, mga astigin din sa online games sina Michelle Dee, Sanya Lopez at Shaira Diaz.

"'Yun 'yung common namin, mahilig din kami sa action," ayon kay Shaira.

Para sa kanila, pamatay ng oras ang pakikipagtunggali sa internet games ngayong panahon ng quarantine.

"Paggising ko, 'yun na 'yung routine ng buhay ko pagdating ng quarantine eh. Isang game lang, 'pag nanalo ako workout, tapos magtatambay," sabi ni Sanya.

"Para gumaling kasi kating-kati akong mag-level up. Two days straight akong sunod-sunod bigla. Gising, bang! bang! bang!" ayon naman kay Michelle.

Inihayag din nila ang Kapuso stars na iniiwasan nilang makalaro dahil magaling din sa online games.

"Si Rayver. Nakikita ko po kasi si Rayver na naglalaro, so feeling ko dahil ang galing niya, ini-invite ko siya, ayaw niyang makipaglaro sa akin, bakit ganoon?" kuwento ni Shaira.

"Medyo nakakatakot ma-judge doon. Gagalingan ko muna bago makipaglaban," sabi ni Sanya.

"'Yung alam kong naglalaro ng Call of Duty si Alden and magaling daw siya, so nacha-challenge ako. Lalabanan ko set-up niya," sabi ni Michelle.--Jamil Santos/FRJ, GMA News