Inihayag ni Yasmien Kurdi kung ano ang kinatatakutan niya bilang isang ina ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

"Ang fear ko bilang isang ina is 'yung magkasakit ang anak ko, 'yun 'yung pinakaayaw kong mangyari. Ayaw kong magkasakit kahit sino mang miyembro ng pamilya ko," saad ni Yasmien sa Kapuso Showbiz News.

"Talagang pinoprotektahan ko 'yung anak ko when it comes to that," dagdag pa niya.

Nagpapasalamat si Yasmien na kasama niya ang kaniyang pamilya nang ipatupad ang lockdown.

"I guess I'm also lucky din kasi noong time na nag-lockdown, kasama ko 'yung family ko. So talagang magkakasama kami ngayon and hindi ko masyadong nararamdaman 'yung lungkot kasi nga I'm with them," sabi ng Kapuso actress.

Ngayong panahon ng lockdown, nag-bonding sina Yasmien at ang anak niyang si Ayesha sa kanilang acting 101.--Jamil Santos/FRJ, GMA News