Mas lalo raw tumibay ang relasyon nina Tom Rodriguez at Carla Abella dahil sa lockdown.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, inihayag ni Tom ang paghanga sa katatagan ni Carla sa harap ng mga nararanasang pandemic bunga ng COVID-19.

Kaya naman sabi ng aktor, "Mas nagiging klaro para sa akin is siya na talaga."

Marami rin ang naaliw sa Youtube video ng magkasintahan nang gumawa ng leche flan si Carla para kay Tom.

Kuwento ni Tom, paborito niya ang leche flan at nalaman niyang gumagawa nito si Carla noong high school at nagbebenta pa kaya hiniling niya sa nobya na igawa siya.

Samantala, makakasama ni Tom at Manilyn Reynes sa online charity concert na "Bayanihan Musikahan," na ang malilikom na pondo ay ilalaan sa pagtulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya.--FRJ, GMA News