Sa halip na P10,000, ginawa na ni Kuya Wil na P20,000 ang papremyo para sa isang nanay na ang anak ay isang person with disability. 

Kuwento ng caller na ina mula sa Bataan, may damage sa left brain ang 14-anyos na anak niyang babae, at kamuntikan pa itong isugod sa ospital noong isang araw nang magka-seizure.

Kaya naman malaking tulong na raw ang premyo para sa maintenance ng kaniyang anak, ayon sa caller.

-Jamil Santos/MDM, GMA News