Ngayong magli-limang-buwang-gulang na si Baby Thylane Katana, at nagpapakita na ng kaniyang personalidad, kanino kaya siya nagmana--sa kaniyang mommy na si Solenn Heussaff o sa amang si Nico Bolzico?

"Hindi siya iyakin na bata, kahit sa gabi super tahimik lang siya," kuwento ni Solenn sa panayam sa kaniya ng GMA News "Unang Hirit."

Ayon kay Solenn, tila namana raw ni Baby Thylane ang pagsasalita nito kay Nico.

"'Yung personality niya, parang mas kay Nico. Kapag nagsasalita siya, 'pag nag-'Aww! aww!' gano'n, super lakas," natatawang kuwento ng Kapuso star.

Pero tila namana naman daw sa kaniya ni Thylane ang kaniyang pagiging observant.

"She's very observant sa lahat. So I would say easy baby siya," patuloy ni Solenn.

Inihayag din ni Solenn na walang problema sa kaniya na hindi muna magtrabaho ngayong taon para lang matutukan si Baby Thylane.

"Sabi ko kay Nico, 'Okay sa akin na wala akong work this whole year, like 100% of my time sa kaniya," sabi ni Solenn.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News