Ibinahagi ni Coleen Garcia na lalaki ang magiging panganay na anak nila ni BIlly Crawford.

Sa Instagram post ngayong Miyerkules, makikita ang larawan ni Coleen na may asul na lipstick habang kita ang kaniyang baby bump.

#BabyCisaHE! Thank you to everyone who joined our baby shower/gender reveal today! We’re so happy we finally get to share this with you!,” saad ni Coleen sa caption.

 

 

Nagpakasal sina Coleen at Billy noong Abril 2018.

Samantala, sinimulan na ni Luane Dy ang pag-breastfeed sa first baby nila ni Carlo Gonzalez na si Baby Jose Christiano

"First 40 days.#xpiotós #gonzigang," pagbahagi ni Luane Dy sa Instagram post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

First 40 days ???????? #xpiotós #gonzigang

A post shared by Luane Dy (@luziady) on

 

Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Luane na nakakampante siyang matulog kapag alam niya na kumportable si Baby Christ sa sarili nitong espasyo, na madali niya lang mapuntahan kung kinakailangan.

 

 

"As a first time mom I cannot be more at ease during sleep time knowing that my son has his own space readily accessible to me whenever needed," sabi ni Luane.

Ayon kay Carlo, matagal na niyang gusto ang pangalang Christ, kaya Jose Christiano ang ipinangalan nila ni Luane sa kanilang anak.--Jamil Santos/FRJ, GMA News