Inihayag ni Chynna Ortaleza ang kaniyang paghanga sa asawang si Kean Cipriano dahil bukod sa hindi nito dinadaan sa pananakot ang pagdisiplina, ipinapakita rin nito kina Stellar at Salem ang pagiging isang mapagmahal na ama.

"He's very understanding with his children. He's able to balance everything pagdating sa mga bata, sa mga ugali nila," sabi ni Chynna sa Kapuso Showbiz News.

"Positive or negative traits, hindi agad niya 'yon tini-take as kailangang baguhin or kailangan silang pagalitan or kailangang bigyan ng time out. Hinahayaan niya, he just let the children be. And then kung may gusto kaming i-adjust, kakausapin namin si Stellar," dagdag pa ng Kapuso actress.

Bukod dito, hanga rin si Chynna sa pagiging "playful" ni Kean sa kanilang mga anak, lalo na sa mga pretend play para mapalawak pa ang kanilang imahinasyon.

"He's very patient with the kids. As much as possible his motto as a father is... huwag daanin sa pananakot or paninigaw or palo. There will be times when those will come into play pero as much as possible kung kaya niya kausapin si Stellar in terms of discipline, and si Salem din kasi kahit na seven months 'yun nakakaintindi na 'yun. Ginagawa yon ni Kean," anang Idol sa Kusina host.

Makikita raw sa saya nina Stellar at Salem ang pagiging mapagmahal na ama ni Kean.

"He's a very loving person. So that translates to the children all the more. Kumbaga I know my children are in good hands because they have a really kind father," sabi ni Chynna. —LBG, GMA News