Inihayag ni Benjie Paras na masaya siya na magampanan ang kaniyang tungkulin bilang ama sa kaniyang mga anak--lalo na ang paghahatid sa kanila sa eskwelahan.

"Ang pinakamasaya being a father, isang gusto ko is for me to bring my kids to school," kuwento ni Benjie sa "Give Me Five."

"Ito 'yung everyday na nakakasama mo sila, ihahatid mo sila, nursery hanggang high school. Ito lang 'yung moment na magkasama at nakakapagkuwentuhan kayo," pagbahagi niya.

ADVERTISEMENT

"And nari-realize mo na sobrang bilis ng panahon dahil mula pagkabata, 'yung pinag-uusapan niyo hanggang sa tumagal naiiba na eh hanggang sa magka-level na kayo," pagpapatuloy ni Benjie.

Dahil isa siyang morning person, gustong gusto raw ni Benjie na ginigising at inaayusan ang kaniyang mga anak kapag papasok sila sa eskuwela.

"'Pag merong problema, nakikita mong umiiyak, tapos 'yung kino-comfort mo sila, o may nasira silang laruan nagawa mo, parang superhero ka na sa kanila," sabi pa ng dating PBA superstar.

Ramdam din naman ni Benjie ang pagmamahal ng kaniyang mga anak sa kaniya sa tuwing niyayakap siya ng mga ito.

"Everytime na they will hug you, nagpapaalam sila, or they're going to say goodnight, 'pag may nagawa ka they say thank you, they will hug you and they will tell you that 'I love you dad,' alam mong galing sa puso eh," sabi ni Benjie.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News