"Plant tita" na rin ngayon si Gabbi Garcia sa bago niyang pinagkakaabalahan na flower arrangement, na ginagamitan niya ng dried flowers.

"Meron akong inaalagaan ngayong plants, lately lang, ngayong GCQ lang siya. And nakakatuwa kasi ang challenging niyang alagaan. As in kailangang i-monitor mo sila. Na-challenge ako kasi buhay talaga siya," kuwento ni Gabbi sa Unang Hirit.

 

ADVERTISEMENT

 

"Well since lockdown naman, marami akong time magbantay, magdilig, so why not 'di ba?" ayon pa sa kaniya.

Bukod sa pagbili ng dried flowers, pinatutuyo rin ni Gabbi ang iba pa niyang mahahalagang halaman para sa kaniyang mga arrangment.

Mayroon namang flower business si Marian Rivera, at kasama rin sa kaniyang mga produkto ang dried blooms.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News