Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinasilip ni Michael V. ang koleksyon niya ng mga laruan tulad ng Voltes V. Ayon sa Kapuso comedy genius, nailalabas niya sa pamamagitan ng vlog ang mga pinaghuhugutan niya ng kaniyang kabataan.

Ayon kay Michael o Bitoy, mula pa noong bata ay hinangad na niyang magkaroon ng laruang Voltes V.

ADVERTISEMENT

"Naging catharsis, kasi na-realize ko na may issues pala ako sa buhay na simula noong pagkabata ko, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na na-express. Dito sa vlogs ko, dito lumalabas lahat," sabi ni Bitoy.

Sinabi pa ng komedyante na hindi tulad ng ibang kolektor na hindi pinapagalaw ang mga koleksyon, sinabi ni Bitoy na maaaring paglaruan ng kaniyang mga anak ang mga laruan.

Kasabay nito, nagkuwento rin si Michael, tungkol sa Disney Cruise nila ng kaniyang pamilya na idea raw ng kaniyang kabiyak na pusong bata na si Carol.

Tunghayan ang video kung gaano kabongga ang cruise at magkano ang presyo sa ganitong uri ng pamamasyal at bakasyon. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News