Muling nagbabalik ang musical-comedy-variety program ng Kapuso Network na "All-Out Sundays" simula Hulyo 12 para maghatid ng all-out na katatawanan at kasiyahan.

Sa bagong timeslot nito 12:45 p.m., sabay na eere ang "All-Out Sundays: The Stay Home Party" sa telebisyon at online sa mga opisyal na social media pages ng GMA Network.

Muling pasasayahin nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Gabbi Garcia, Ken Chan, Rita Daniela, Miguel Tanfelix, Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Jak Roberto, Mavy Legaspi, Golden Canedo, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, Thea Astley, Kim de Leon, Shayne Sava, at Lexi Gonzales ang weekend sa kanilang exceptional song at dance performances, habang naka-home quarantine ang mga manonood.

Sa "Four The Win," ipakikita ng Kapuso singers na sina Aicelle Santos, Thea Astley, Golden Canedo at Julie Anne San Jose ang kanilang world-class vocal prowess sa pagkanta nila ng hits ng OPM band na Side A.

Ila-launch naman ni Bianca Umali ang kaniyang debut single na "Kahit Kailan" kasama sina Mikee Quintos at Rodjun Cruz.

Makisayaw naman sa mga pinaka-iconic na 90s hit songs sa pagsabak ng AOS barkada sa fun game na "Mass Dancing."

Alisin ang pagkabagot at panooring makipagtunggali sina Pekto, John Feir at EA Guzman sa titulo na "Walang Talent" sa nakakatuwang segment na "Walang Talent Show." Magiging judge nila sina Aiai delas Alas at Boobay at host si Paolo Contis.

May nag-aabang din na mga surpresa sa mga loyal audience ng All-Out Sundays dahil may tiyansang manalo ng prizes ang lucky TV viewers.

Maaari namang mapanood ng Kapuso viewers sa iba't ibang panig ng mundo ang kanilang paboritong Kapuso shows sa international channels ng GMA na GMA Pinoy TV, GMA Life TV, at GMA News TV International. Bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa program guide.