Mayroon umanong huling habilin ang namayapang komedyanteng si Kim Idol tungkol sa kaniyang pinakamamahal na ina na tutuparin ng kaniyang mga kaibigan at programang "Wish Ko Lang."

BALIKAN: Kim Idol, nanatiling positibo sa buhay sa kabila ng kaniyang naging karamdaman

Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing kabilang sa mga nagtulong-tulong para maisakatuparan ang habilin ni Kim para sa kaniyang mommy Maria ay ang mga kaibigan at kapwa komedyateng sina Teri Onor, Allan K at Wally Bayola.

"Marami tayong plano lahat itutuloy ko 'yon para sa'yo at sa pamilya mo," saad ng emosyonal na si Teri.

Pangako naman ni Wally, "Bilin mo 'wag pababayaan ang mama mo. Siyempre mama mo parang nanay na rin namin so 'wag kang mag-alala, mamahalin namin nanay mo."

Mapapanood sa upcoming episode ng "Wish Ko Lang" ang katuparan ng hiling ni Kim para sa kaniyang ina. --FRJ, GMA News