Matapos magkasama sa isang product endorsement project, hangad din ni Alden Richards na makatrabaho sa mas malaking proyekto tulad ng pelikula ang aktres na si Bea Alonzo.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing lumabas na kamakailan ang komersiyal tungkol sa pinagsamahang proyekto nina Alden at Bea na ginawa sa Thailand.

Noong nakaraang Pebrero, naging usap-usapan ang dalawa dahil nakita sila ng mga tao na magkasama sa airport.

"It's an ad for a campaign. I'm really happy, alam ni Bea ito eh. Lagi kong sinasabi sa kaniya na sobrang fan nila ako ni John Lloyd when hindi pa ako artista. I've always watched a lot of their films," kuwento ni Alden.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Our Head and Shoulders TVC dropped today! @headandshouldersph ???? @aldenrichards02 #NoITCHuationsWithMyBAE

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

 

Ayon kay Alden, nasa bucket list niya na makasama si Bea sa isang pelikula, at kapag nangyari ay ituturing niya itong isang malaking achievement para sa kaniya bilang aktor.
"Looking forward, sana mas malaking project 'yung pagtrabahuhan namin soon and sana pelikula. Napakagaling na artista, napakabuting tao. And I would like also to explore kung ano 'yung kaya kong ibigay kapag siya 'yung katrabaho ko," anang Asia's Multimedia Star.

Samantala, patuloy naman na ginagampanan ni Alden ang kaniyang responsibilidad na ipaalala sa mga tao na mag-ingat laban sa COVID-19 bilang pagtulong sa kampanya ng DOH.

Hinihikayat naman ni Alden na makiisa ang lahat para masugpo ang pandemya.

"Ngayon we all need to be united instead of throwing negative comments about this campaign. Itabi muna natin 'yon, let's be united. We have to admit cases are getting worse around the world, hindi lang naman sa atin dito sa Pilipinas," patungkol ni Alden sa BIDA campaign ng DOH.--Jamil Santos/FRJ, GMA News