Sa programang "Mars Pa More," ipinakita ang ilang larawan ng hunk Kapuso chef na si Jose Sarasola habang nasa kusina at may pasilip ng kaniyang magandang pangangatawan.

Tila na-curious naman ang host ng programa na si Iya Villania-Arellano at natatawang tinanong si chef Jose kung mayroon ba siyang pang-ibaba o sadyang apron lang ang suot niya sa larawan.

Natawa naman ang co-host ni Iya na si Camille Prats sa naging tanong ng kaniyang ka-mars kay chef Jose.

Ayon kay chef Jose, katuwaan lang umano ang naturang picture taking sa kusina kung saan sinusubukan niya ang iba't ibang kasuotan habang nagluluto.

"And then the director advice why don't you try apron lang so ayun," natatawang sabi ni Jose.

Pero paglilinaw niya, may suot naman siyang pang-ibaba sa naturang photoshoot.  Panoorin ang naturang masayang interview ng "Mars Pa More" sa video. --FRJ, GMA News